Sindikato na, Swindler pa!

25 September 2021 / 03:00 PM

Sindikato na, Swindler pa!

Panloloko ng mga sindikato, ito ang pangunahing lumalabas na tema sa kakatapos lamang na hearing ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Biyernes (September 24). 

Inamin ni Krizle Grace Mago, isang dating empleyado ng Pharmally, na inutusan sila ng kompanya na palitan ang expiry dates ng mga face shield. Lumalabas din na ang mga produktong naka marka ng “2020” ay biglang naging “2021” ang production date.

Nakakalungkot na sa gitna ng pandemya na dulot ng Covid-19, patuloy namamayagpag ang mga nanamantala sa kaban ng bayan at linoloko ang tao sa ngalan ng pagkakakitaan. 

Hindi pa sapat sa kanila ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, linagay pa nila sa alanganin ang kalusugan ng mga Pilipino dahil sa hindi daw sanitary ang pagkaka impake ng mga produktong dapat sana a magbibigay ng proteksyon laban sa virus na marami nang pinatay.

Ang panahon ng panggagantso ay kailangan ng tapusin at buwagin. Ang solusyon sa panloloko ng gobyerno ay panagutin ang mga taong nasa likod ng mga sindikato mula sa public at private sector. 

Ang ugat ng problema ng bayan ay corruption, akala natin binoto na ang mga taong makakapagbago nito. Hindi pa huli ang lahat, kasuhan na ang mga matataas na opisyal na walang konsensya at walang-awang nagbigay ng pondo sa mga kompanyang tulad ng Pharmally.

RELATED NEWS

Lacson: LGUs Should Have Greater Autonomy, Accountability To Implement Mandanas Ruling

Lacson: LGUs Should Have Greater Autonomy, Accountability To Implement Mandanas Ruling

With greater tax revenue shares come greater accountability.

Read More
Lacson Pushes 'Reinvented' 4Ps To Ensure Sustainable Livelihood

Lacson Pushes 'Reinvented' 4Ps To Ensure Sustainable Livelihood

From merely doling out cash to providing sustainable livelihood and employment opportunities.

Read More
Lacson Takes Up Cudgels For Filipino Farmers Threatened By Korean Strawberry Entry, High Soya Prices

Lacson Takes Up Cudgels For Filipino Farmers Threatened By Korean Strawberry Entry, High Soya Prices

"Why are you killing your fellow Filipinos? Gusto nyo mawalan ng hanapbuhay ang kababayan natin sa La Trinidad (Do you want our farmers in La Trinidad to lose their livelihood)?"

Read More
GET INVOLVED

GET INVOLVED

Volunteer with us and make a difference in the decision making of our countrymen this 2022 Presidential Elections.

Read More